Hmmm, ngayon lang ulit nakapag post. Paano ba naman, ang hirap ng signal. I mean, ang lalayo ng towers ng mga top Telecom Companies kaya napilitang maghanap at gumawa ng paraan para gumana ang net dito. Nasanay ata ako sa buhay Maynila. By the way, wala na nga pala akong work. Nag resign na ako but informal. Medyo nagkaroon kasi ng misunderstanding between me and my superiors kaya ayun, umalis ng company within short notice and I don't expect na makakakuha pa ako ng kahit anong benefits or extra bonus or separation pay or whatever dahil dun. Request kasi ni misis eh. Hirap. Pero minsan ok lang kasi at least matutuukan ko at makakabawi na ako sa junakers (anak) ko dahil mejo matagal rin akong nahiwalay.
Ganito lang ang ang buhay dito. Simple, pero tahimik. Sarap mag unwind, lalo pag nasa bahay at kain tulog lang. Kaso walang malaking mapagkakitaan. Masarap lang magbakasyon pero kung iisipin mong magtagal, kailangan mo ng malaking pera para mag enjoy. Pero kung gusto mo namang tumira for good, kailangan ng konting negosyo para maka survive. Dito mo mararanasan maging sadista. Mag aalaga ng baboy at papakaining mabuti tapos sa bangdang huli ay kakatayin o kaya ay ipagbibili sa mga pusakal na mamamatay-baboy. Hehehe. Ganda pakinggan, di ba? Kung may lupa ka naman, pwede ka magsaka o magtanim ng gulay na pwede ibenta. Kung nasa tabi ka naman ng dagat, pwede ka mamingwit para may pulutan, este, ulam. Or kung big time ka naman, eh di Dynamite Fishing para may pang benta. Joke. Baka mabasa ng sangay ng gobyerno at pagbintangan pa ako na gumagawa ng kulto na nagpo promote ng pag gamit ng dinamita.
Yung ang ilan sa mga alternatibong bagay para maka survive ka sa probinsya. Pero kung tamad ka naman at may konting skills sa sports, mag audition sa pinakamalapit na basketball court at sumama sa Pop Cola Tournament. Maliban sa pustahan ng Pop, pwede rin pumusta ng pera. Pag nanalo, may pera ka na, libre softdrinks ka pa. Pero pag talo, I suggest na wag munang humiwalay sa kalabang team at maki buraot muna sa napanalunang softdrinks. Ang sama eh no?
Ito ang buhay probinsya. Marami pang ibang alternatibo kaso baka gayahin pa ng iba at ako ang lumabas na walang originality. Mahirap na. At sa mga nagbabalak tumira for good sa probinsya, eto lang ang masasabi ko.... Good Luck!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment