Goodbye 2009... Welcome 2010!!! Taon ng panibagong adventure. Lapit na pala ako mag 5 years sa work ko. Pero ano ba ang mga na-achieve ko nuong 2009? Parang wala ata? Hahaha!!! Same friends, same job, same pay. By the way, nakabili naman ako ng low end na laptop kahit papaano. aAng saya-saya! At least na a update ko na yung Home Inn ko sa Peyzbuk. Di ko na kailangang mag rent sa mga cafe kasi nakahanap ako ng way para maging free ang internet ko. Achievement din pala un, no!!! Meron kayo nun? Wala! Hahaha!!!
Eh ano naman ang New Year's resolution ko? Hmm, parati ko 'tong sinasabi sa mga ka-wokmates ko e: "To be consistent lang kasi matino naman talaga ako, so walang babaguhin, ayt!". Yun! Hehehe. Syempre maraming kalokohan pero yun yung parati kong sinasabi pag inaasar ako ng mga ungas kong mga ka-tropa sa work. Ay, meron pala! Parang tagal ko nang di nagsisisimba ah!!! Bakit nga ba? Busy sa work. Pagod. Itutulog ko na lang. Ganun talaga e. Alam kong mejo pangit ang dating kay Bro pero i know naiintindihan naman nya ako. Ika nga ng isang slogan sa damit e, "Di bale nang tamad, wag lang pagod!". Hahaha!!! Aylavit!!! I love that line!!! Sinong di nakakaramdam kahit sa sarili nya pag nabababsa or naririnig nya yun? Ipapapitpit ko ang yagiddy balls ko! So yun! Lumabas din yung mga babaguhin ko. Sa work naman, siguro i'll try harder para ma-meet ko yung mga deadlines ng mga report. Para di ako nasesermunan in person, at sa text. Nakakahiya kaya yun! Biruin mo sinasabon ka sa madlang people! Wahahaha!!! Konting diskarte lang. Sa sobrang dami ng sermon na natanggap ko nung 2009, kumapal na ata ang face ko. Kaya ko naman yun e. Nagagawa ko nga minsan, ba't di ko magawa the whole year? Syempre tao lang ako. Pero malapit na akong maging santo. Joke!
Ang saya balikan yung mga memories ng past, ano? Pero ang pinaka gusto kong iniisip is nung highschool ako. Ayan! Senti na naman ako. Sorry! Kaya nga ginawan ng iba't ibang version yung kanta e. Yung mga ligaw-ligawan, mga lakwatsa, cutting classes, etc. Yun kasi yung time na feeling ko, free ako. First time na naging malaya ako. Thanks to my loving lola! But yung first two years ng Highschool is not so good kasi nakakulong kami sa Catholic school so, what do you expect? Then, here comes my third year!!! The devil inside me unleashed!!! Wahahaha!!! Ang saya-saya ko nung mga time na yun! Tapos nagkaroon ka ba naman ng mga classmates na lakwatsero't lakwatsera e. Tapos uwi ng bahay sabay sermon. Ok lang yun! Next time ganun ulit. Tapos iaabot mo yung grading sheet. Iyak-tawa ka kasi yung subject mong Filipino ay bagsak. Pero syempre, para-paraan yan. Meron jan gumagawa ng special projects para pumasa. Meron naman pinapatawag yung guardian. Pero ang pinaka paborito ko is yung tinatawag na "completion of take note". Hahaha. Yun bang kelangan makopya mo lahat ng take notes ng mga kakalase mong 'Elites' para bigyan ka ng titser mo ng passing grades.
Yun! Eto pa. Here comes Xmas and Valentines. (Eh anu naman ang meron jan?). Syempre, kanya kanyang hanap ng chickababes! Correction pala, di pala chickababes. Pang adult term pala yun. Girlfriend na lang. (Oh, e anu naman ngayon?). Syempre kailangan mo din ng nireregaluhan at ka date sa mga okasyon na yun. Nakakainggit kaya!!! Hahahaha! Except sa mga Geek Club Society. Wahahaha! So, yun! Hanggang sa dumating ang Graduation's Day. Time para magpaalam sa mga kaklase at tropapipz. Time para magpaalam sa loveofmylife. Syempre, walang puknat na yakapan at iyakan at kasiyahan. Yakapan at iyakan kasi magkakahiwa-hiwalay na at kasiyahan naman kasi nakapsa naman daw sabi ni Teacher. At may bonus pa! Makukuha pa daw agad ang Diploma!!! Then summer vacation. Kanya-kanyang bisita sa mga bahay-bahay para i-reminisce yung mga natitirang moment na kasama mo sila. Naiiyak ako, Shet!!!
Ayun! So college (ung iba) tapos heto, work na. Nakakatuwa din kasi nakikita ko pa rin somehow yung mga taong naging part ng buhay ko. Minsan nagtetext and minsan nakakausap din. Minsan naiisip ko, i'm lucky kasi i'm blessed with good friends, healthy body and nice family. And syempre, buhay pa ako ngayong 2010!!! Isn't that something or what!!! Hahaha!!! Not a bad way to welcome Year 2010, agree! So, good luck na lang sa akin this year and sa mga susunod na year pa na mga years. Good luck na rin sa mga nakabasa nito (kung meron). God Bless Us and Happy Reading!
AYT!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment