At last!!! After Ten Years (exaggerated) nagbabalik si Berto para mag post sa Blog.
This time, cheesy lines tayo ha. Naaaliw lang kasi ako tuwing nakakabasa ako ng mga ganito. Nakakainis isipin na hindi man lang ako nakabasa ng ganito nung kabataan ko, i mean before ko naging asawa ang asawa ko. Puro impromptu lang like, 'hey, taga St. Claire street ka pala! Saint Francis ako. Sabay tayo, ok lang?'. Very naive isn't it? Kaya eto, nag compile ako ng mga malulupet na banat, pamana ko sa makakabasa at syempre, sa junakis ko na 3 years old pa lang today. Reference nya ito pagdating ng panahon. So, let's start!!!
And it goes a little something like this, my all time favorite:
Girl: Ouch! nakagat ko ang dila ko…
Boy: Wow! may nakaka-alala sayo
Girl: number nga?
Boy: ok. 21
Girl: A,B...(counting)
Girl: ” U”?
Boy: Yes! me…
naks!!!
Hindi tayo tao. Hindi tayo hayop.
BAGAY tayo. BAGAY na BAGAY talaga tayo...
Ikaw ba may-ari ng Crayola?
ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko...
Uy papicture tayo!
para ma-develop tayo!!!
Centrum ka ba?
kasi you make my life complete!!!
Miss pwede ba kita maging driver?
para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko...
Ibibili kita ng salbabida..
kasi malulunod ka sa pagmamahal ko...
Pinaglihi ka ba sa keyboard?
kasi type kita...
Sana “T” na lang ako...
para i’m always right next to “U” (cp mode)
Sana keyboard tayo...
para palaging magkatabi U and I (pc mode)
Anung height mo?
paano kang nagkasya sa loob ng puso ko...
Bangin ka ba?
nahuhulog kasi ako sa’yo...
Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh?
kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad...
Naniniwala ka ba sa love at first sight?
Or, gusto mo bang dumaan ulit ako?
May kilala ka bang gumagawa ng sirang relo?
pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko...
You are like my underwear...
I can’t last a day without you!!!
Lecture mo ba ako?
lab kasi kita...
Girl: anung name ko sa phonebook mo?
Boy: McDo
Girl: Huh?! Why naman McDo?
Boy: Kasi, Love Ko 'To!!!
Exam ka ba?
gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!!
Mahilig ka ba sa asukal?
ang tamis tamis kasi ng mga ngiti mo...
Pwede ba kitang maging sidecar?
single kasi ako eh...
Pagod ka na noh?
maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko eh...
Nakakatakot di ba ang multo?
pero mas nakakatakot kapag nawala ka (na) sa buhay ko...
Favorite Subject mo ba geometry?
kasi kahit saang anggulo ka tignan ang ganda mo eh!
Ako ay isang exam...
sagutin mo na ako…dali!!!
Minamalat na naman ang puso ko..
kasi, laging isinisigaw ang pangalan mo...
Ok. Eto naman ang mga English version na lines:
Miss, do you have a license?
'coz you're drivin' me crazy...
Am i a bad shooter?
'coz i keep on missing you...
I’m a bee...
can you be my honey?
Are you a dictionary?
because you give meaning to my life...
Eto naman ang mga pasaway...
Utot ka ba?
'coz you blew me away!!!
Pustiso ka ba?
kasi, I can’t smile without you...
Kuto ka ba?
kasi palagi kang nasa ulo ko...
Ang hirap mo naman pasagutin...
ang dami ko nang banat ah!!! Eto last na:
Kulangot ka ba?
coz You’re really really hard to get...
Ayaw mo pa rin ha...
Etong sa'yo...
Boy: Kamoteng kahoy ka ba?
Girl: Anung klaseng banat yan? Sige na nga, oh ano yan?
Boy: Mukha ka kasing lamang lupa. Pakipot!!! lol...
(...to be updated)
Wednesday, September 1, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment