Annual inventory na naman. September. This is the month my father died. Di ko maalala kung anung exact date pero for sure, September yun.
Ito yung month na madalas na magtext si Nanay about Tatay, na kesyo marami nang narararmdaman at madalas maospital.
I remembered while I was in my workplace, my mother sent me a text message, 'Bot, si Tatay mo masama na naman pakiramdam'. I ignored kasi alam ko na naman na madalas talagang sumpungin si Tatay eh. By the way, may Asthma pala siya. Chain smoker kasi eh. So tuloy ang inventory overnight. Then pag uwi ko around 8am, natulog ako kasi puyat. When I woke up at around 7pm, I got my cellphone and I received another text message from my mother and it says, 'Bot sumasakit daw tyan ni Tatay mo. Anung gagawin ko?'. I said, 'Eh di kung may pera pa kayo ipunta nyo muna sa clinic or ospital. Abunuhan nyo muna yung gastos at babayaran ko pag sahod'. So I waited then after an hour, my phone rang: it's my sister's number. Inexpect ko na sasabihin lang ni utol na pumunta na sila sa bayan para magpagamot but when I answered, I heard my sister's sobbing in the other line. Just when I start to ask what happened, she said,'Nong Bot, si Tatay, wala na'.
Nakakalungkot isipin pero minsan naisip ko, mas maige na rin kasi kung buhay pa siya ngayon siguradong hirap pa rin siya. At least, he is with the Creator na and I'm certain na masaya siya at nakakahinga na ng maayos. Yun nga lang, medyo nanghihinayang din kasi di man lang kami nagkausap bago siya mawala. Marami akong gustong sabihin, tanungin at ibigay sa kanya kaso, it's too late na. The least thing lang siguro na maibibigay ko sa kanya is Prayer. Na sana sumaya siya kung nasaan man siya ngayon and for me na sana maging good father para sa anak ko.
So that all for now and happy reading!!!
Tuesday, September 14, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment